Kabanata lll: Mga Alamat
l. Buod
Sa paglalakbay dagat ng mga manlalakbay nabanggit ni Simoun na sawa na
siyang tingnan ang mga magagandang tanawin sa lawa. Nabanggit niya na gusto rin niyang marinig ang mga Alamat na may kaugnayan sa lugar na dinadaanan nila.
Nagsimulang magkuwento ang kapitan ng barko tungkol sa bato. Si Padre
Florentino ay nakibahagi ng kuwento tungkol sa kuweba ni Donya Geronima. Si Padre Salvi ay nagkuwento rin tungkol sa milagro ni San Nicholas. Habang papalapit na sa daungan, napunta ang usapan sa pag-ungkat sa nangyari kay Ibarra sa lawa labintatlong taon na ang nakaraan.
ll. Tauhan
- Donya Victorina - Isa sa mga kasama sa paglalakbay dagat ang nagtanong kung saan talagang bahagi ng lawa namatay si Ibarra.
- Padre Florentino - Ginagalang na pari na nagsalaysay sa pagkasawi sa pag-ibig ni Donya Geronima sa kasintahang naging arsobispo na pala.
- Ben zayb - siya ang lagging nag-aabang ng kahit anong paksa na maari niyang ilathala at magtanong kung saang bahagi ng lawa napatay si Ibarra, Navaroro at Guevarra.
- Padre Salvi - ang pareng nagkuwento tungkol sa milagro ni San Nicholas na tumulong sa isang Tsinong di-binyagan upang di malapa ng buwaya na naging bato.
- Kapitan ng barko - siya ang batikang mariner na nagsalaysay sa alamat ng Batumbahay na pinagkukutahan ng mga tulisan kaya lumisan ang mga espiritu.
- Donya Geronima - Isang kilalang engkantada na mataba. Hinintay niya ang kasintahan sa kuweba nang mahabang panahon. Ang kasintahan na naging arsobispo kaya hindi na nakabalik.
- Padre Sibyla - Ang prayleng may magaspang na ugali at dumaing tungkol sa pumapasok na pera sa kaniyang kumbento kapag may binyag at iba pang ritwal ng katoliko sa simbahan.
lll. Suliranin
- Saan ka talaga itinapon ang bangkay ni Ibarra?
- Ang pinapahalagahan ba ng mga prayle noon ay kung paano magkapera?
- Ang alamat ba natin ay dapat paniwalaan?
lV. Isyong panlipunan
Ang mga mayayaman ay binibigyan lahat ng pabor at ang mga dukha ay nawawala
ang kanilang karapatan. Ang mga adik ay pinapatay pero ang druglord ay malaya at buhay na buhay.
V. Gintong Aral
Bigyan ng parehong karapatan ang tao. Mayaman man o dukha. Pahalagahan ang
alamat na galing sa ating mga ninuno.